Paano Maka-Avail ng Free Scholarship Training sa TESDA?
Ang layunin po ng post na ito ay mabigyan ng tip ang mga kakabayan natin kong paano sila makaka avail ng Libreng Scholarship Mula sa TESDA. Ang Mga sumusunod ay Tips or advice lamang at hindi pag gagarantisa na makakakuha ng libreng schoolarship.
1. Tumungo sa Pinakamalapit na TESDA Provincial office o accredited TESDA school sa inyong Lugar.
2. Mag inquire tungkol sa mga available na kurso sa inyong lugar. Halimbawa: Computer System Servicing NCII, House Keeping NCII at marami pang iba.
3. Magtanong kong saang eskwelahan pweding mag pa enlist ng Schoolarship para sa iyong napiling kurso.
4. Mag inquire sa skwelahang inirekumenda ng TESDA tungkol sa schoolarship program na meron sila. Wag kalimutang banggitin na inerefer ka ng TESDA sa Kanila.
5. I submit ang mga requirements na hinihingi ng naturang skwelahan at maghintay kong kaylan ka nila tatawagan para sa start ng iyong Training.
Requirments:
1.NSO Live Birth
2. Good Moral Certificate
3. Transcript of Records para sa mga nakapagtapos na ng kolehiyo o High School Card, NCAE Result at Form 137 kung ikaw ay High School Graduate pa lamang.
4. 2Pcs of white backgroud 2x2 I.D Picture
5. 5pcs of white backgroud 1x1 I.D Picture
6. 6pcs Passport Size colored Picture
Note: Pictures must plain white background, with collar, no earings, no necklace, no hat, no eyeglasses and using Matte Finished Paper.
Sana po nakatulong kami sa inyo at huwag pong Kalimutang E share ang post na ito para malaman din ng iba kong papaano sila makaka avail ng Libreng Schoolarship Mula sa TESDA.
Paano Maka-Avail ng Free Scholarship Training sa TESDA?
Reviewed by Superheatsink
on
6:26:00 PM
Rating:
No comments